127 stranded Pinoy seafarers makakauwi na
MANILA, Philippines — Makakauwi na sa bansa ang 127 Filipino seafarers na stranded sa kanilang barko.
Ito ang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga Pinoy na nananatiling stranded sa karagatan.
Ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dulay sa ginawang validation ng ahensya sa kanilang embahada at konsulada, meron pang natitira na 127 seafarers na stranded sa barko.
Nagpadala na ang DFA ng “note verbale” sa mga embassies sa mga bansa kung saan naroroon ang mga stranded na seafarers.
Ayon kay Dulay na kailangan munang pumayag ang pamahalaan ng mga bansa na makababa ang mga seafarer at padaungin ang barko upang sila ay makababa.
Idinagdag pa ni Dulay mula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19 ang DFA ay nakapagpauwi na ng 61,716 na Filipino seafarers.
- Latest