Duterte umapela sa private schools na gawing hulugan ang pagbabayad sa tuition
MANILA, Philippines — Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pribadong paaralan na gawing hulugan ang paniningil ng tuition fee ngayong may pandemic ng COVID-19.
Sa kanyang public address, nanawagan ang pangulo sa mga private schools na magpatupad ng staggered payments o installment sa tuition fee.
Ito ay dahil maraming magulang ang nahinto o nawalan ng trabaho bunsod ng problema sa COVID-19.
Sinabi rin ng Pangulo na para sa mga magulang na talagang walang pang-enroll sa kanilang anak ay puwedeng humiram ng pera sa Land Bank.
Magbubukas aniya ng sistema ang Land Bank kung saan maaring makapag-loan ang mga magulang upang mai-enroll ang mga anak.
- Latest