^

Police Metro

Chinese, 5 pa timbog sa hoarding at overpricing

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim katao kabilang ang isang Chinese ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa “hoarding’ at “overpricing” ng mga ibinibentang medical equipments at bitamina sa online sa ginawang entrapment operation nitong nakaraang Lunes sa Tondo, Maynila.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Dong Li, Chinese national at mga kasabwat na sina Andrew Gan Cua, Israel Najera, Ropy Dejucos, Ike Valenciano at Teodoro Berbabe Jr.

Sa ulat, isinagawa ang entrapment operation ng MPD sa may kanto ng Narra at P. Algue Street, Tondo, makaraang makatanggap ng intelligence report sa pagbebenta ng grupo ng mga medical equipments at iba pang produkto na higit na mas mahal kaysa sa itinakda ng Food and Drugs Authority (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong kahon ng face masks na may laman na 14,150 piraso at may halagang P169,000; 18 kahon ng multivitamis capsules na may halagang P720,000 at isang kahon ng coronavirus disease test kits na may 600 piraso na nasa P180,000 ang halaga.

Isinasagawa ng mga suspek ang kanilang transaksyon sa pamamagitan ng mga online shopping groups sa social media ngunit napakalaki ng patong nila sa mga presyo ng paninda kumpara sa regular na halaga.

HOARDING

OVERPRICING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with