Middle class isali ng gobyerno sa ayuda
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senate President Vicente Sotto III ang gobyerno na palawakin pa ang pagbibigay ng ayuda at isali ang mga nasa middle class families na naapektuhan din ang kita sa lockdown ng buong Luzon dulot ng pandemic.
“I totally agree that we should help the poor deal with the current situation. But we should also provide assistance to the other sectors of our society,” ayon Kay Sotto.
Iminungkahi rin ng senador na magkaroon ng ugnayan ang Department of Social Welfare and Development (DWSD), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Statistics Authority (PSA) at local government units (LGUs) para pag-isahin ang kanilang database.
Iginiit pa na lahat ng manggagawa at mga pamilya na nakararanas ng hirap dahil sa lockdown sa pandemic ay dapat patas sa public at private assistance at walang dapat na diskriminasyon ngayong panahon dahil lahat naman ay mga Pilipino.
- Latest