^

Police Metro

Beermen, Bolts inalat sa EASL

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi nakaporma ang mga dayong PBA teams na San Miguel at Meralco kontra sa home teams na Bu­san KCC Egis at Hong Kong Eastern sa pagpapa­tuloy ng 2024-2025 East Asia Super League kama­kalawa sa magkahiwalay na siyudad.

Nilustay ng Bolts ang ma­laking bentahe patungo sa 68-72 kabiguan sa KCC Egis sa homecourt nito sa Sajik Gymnasium sa Bu­san, habang tumaob ang Beermen sa Eastern, 58-69, sa Southorn Stadium sa Hong Kong.

Humawak ng 66-53 ben­tahe ang Meralco sa hu­ling limang minuto subalit naubusan ng gasolina tampok ang dalawang puntos lang sa 19-2 panapos na bom­ba ng Busan, ang kampeon ng Korean Basketball League (KBL).

Bumida sa comeback win ng Busan si Heo Ung na kumamada ng 31 points kabilang na ang go-ahead basket sa huling 12 segun­do ng laro.

Umangat sa 1-3 ang Bu­san sa Group B, habang nalaglag sa 2-2 ang Meralco sa kabila ng 23 points ni import DJ Kennedy pati na ang 17 markers at 18 re­bounds ni reinforcement Akil Mitchell.

Samantala, wala pa ring panalo ang SMB sa torneo matapos maiwanan sa fourth quarter ng Hong Kong na nagsisilbi ring guest team sa PBA.

Humakot ng 16 points at 17 rebounds si import Chris McLaughlin upang trangkuhan ang Eastern squad na umangat sa 1-2 kar­tada sa Group A.

Umiskor ng 19 points si eight-time PBA MVP June Mar Fajardo, habang may 19 markers at 11 rebounds si import Torren Jones para sa Beermen na sumadsad sa 0-3 kartada sa Group A rin.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with