Magdyowa na witness sa tsinap-chop na babae, inaresto
MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang maglive-in na unang nakakita sa isang tsinap-chop na 33-anyos babaeng PWD sa ulingan matapos lumabas sa imbestigasyon na sila pala ang pumatay dito sa Barangay Barualte, San Juan, Batangas.
Ayon sa ulat ng San Juan Batangas PNP, ala-1:30 ng hapon nitong Miyerkules nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest ng mga otoridad ang mga suspek na 45-anyos na lalaki ang 53-anyos na ka-live in nito na siyang may-ari ng ulingan.
Magugunita na noong alas-11:00 ng Lunes ng gabi, ang mag-partner ang nagreport sa barangay na may nakita umano silang mga sunog na bahagi ng katawan ng hindi nila kilalang tao na nakasama sa kanilang inuuling na kahoy.
Pero lumabas sa imbestigasyon na ang biktimang si Mary Jane na isang PWD at single parent, na positibong kinilala ng kanyang kapatid na lalaki ang labi, ay sinasabing brutal na tsinap-chop ng dalawa at saka sinunog ang mga bahagi ng katawan.
- Latest