^

Bansa

Pangulong Marcos itinangging may ‘loyalty check’ sa AFP, PNP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos itinangging may ‘loyalty check’ sa AFP, PNP
Isa-isang sinasagot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tanong ng media sa isang pagtitipon kahapon sa Malacañang. Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang ugnayan ng gobyerno at media at nangakong magiging maluwag na ito sa pagsagot sa mga isyu upang maiwasan ang fake news.
Marianne Bermudez/PPA Pool

MANILA, Philippines — Walang ginagawang loyalty check si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Inihayag ito ng Pangulo matapos ang banta ni Vice President Sara Duterte na ipapatay ang punong ehekutibo.

Katunayan, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi niya alam ang termino na loyalty check at kung paano ginagawa sa PNP at AFP.

“Hindi ko naiintindihan ang term na ‘yan because I don’t know how you conduct a loyalty check. At least not when you call a command conference. Because in the military, the police, we don’t have that,” wika niya.

Naririnig lamang aniya niya ang ganitong isyu sa media kaya nagtataka siya kung ano ang ibig sabihin ng loyalty check.

“Wala kaming ganoon, I only hear it in the media. So I was just wondering how do you define a loyalty check? Anyway, it’s just a stupid question,”  giit pa ni Marcos.

AFP

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with