P28 milyon laan ng Quezon City government sa Bantay Bata 163
MANILA, Philippines — Naglaan ang Quezon City government ng P 28-milyong financial assistance para sa Bantay Bata 163 Children’s Village para masustina ang pabahay at kalinga sa mga kabataan na nangangailangan ng medium hangang long-term rehabilitation ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Social Service Development Department (SSDD).
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, muling nilagdaan ng lokal na pamahalaan ang kanyang partnership sa Bantay Bata 163 Children’s Village ng ABS-CBN Foundation para sa pangangalaga at proteksyon ng mga kabataan lalo na ng mga kabataang mula sa QC.
Ang hakbang ay bahagi ng pagdiriwang ng Childrens month.
“Malapit talaga sa puso ko ang mga kabataan dahil tingin ko, sila talaga ang kinabukasan ng ating bayan,” ayon kay Belmonte.
Ang Children’s Village sa Norzagaray Bulacan ang tinutuluyan ng mga abandoned, abused, at exploited na mga kabataan. Ang village ay nagkakaloob din ng therapy at iba pang programa sa tulong ng mga eksperto at mga bihasang social workers na siyang nangangalaga sa mga kabataan.
Ang mga natutulungan ng Bantay Bata 163 ay napapagkalooban din ng Bantay Edukasyon scholarship assistance.
- Latest