Recruitment agencies suportado ang pagtatayo ng DOFW
MANILA, Philippines — Sinusuportahan ng samahan ng mga lisensyadong recruitment agencies ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtatayo ng Department of Overseas Filipinos Workers (DOFW) sa bansa.
Ito ang inihayag ni Lucy Sermonia, ng Coalition of Licensed Employment Providers of the Philippines at kaisa nila ang Pangulo sa galit nito sa mga illegal recruiters na nambibiktima at nanloloko ng mga aplikante at OFWs, lalo na sa mga naniningil ng “horrendous charges”.
Ayon kay Sermonia, labis ang kanilang kagalakan sa pahayag na ito ng Pangulo na makakatulong umano ang pagkakaroon ng bagong departamento para matuldukan ang mga problema na dulot ng mga abusado at fly-by-night recruiters.
Ang mga napapabalitang malulungkot na kuwento ng mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa, ay may iisang pinagmulan, lahat sila ay biktima ng illegal recruitment at may mga lehitimong OFWs din na napababalitang nakaranas nang hindi maganda, dahil sa kapabayaan ng ilang lisensiyado ngunit iresponsableng recruiters.
Ang remittances ng mga OFWs na deployed ng mga licensed agencies din na ito, ang may malaking ambag sa paglago ng economic standing ng bansa.
- Latest