23 mayor timbog sa OTBT
MANILA, Philippines — Upang matiyak na magiging mapayapa ang midterm elections sa darating na Mayo ay nasakote ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isinagawang One Time Big Time Operation ang 168 katao kabilang ang 23 mayor at nasa 137 mga armas at pampasabog ang nasamsam.
Kabilang sa mga nasakote ay sina incumbent Mayor Romeo Vargas ng Tubajon, Dinagat Island, incumbent Vice Mayor Antonio Adlao ng Tagbina, Surigao del Sur kaugnay ng kasong illegal possession of firearms.
Inihayag ni PNP-CIDG Director Police Major General Amador Corpus na ang OTBT ay inilunsad upang tutukan ang mga banta sa seguridad na posibleng makaapekto sa pagdaraos ng midtem election sa Mayo.
Nabatid na aabot sa 193 search warrant ang naisilbi ng mga awtoridad sa iba’t ibang mga lugar laban sa mga target na personalidad.
- Latest