Mabagal na telcom inireklamo kay Duterte
MANILA, Philippines — Dahil umano sa palpak na serbisyo ay hiniling ng mga kunsimidong subscriber kay Pangulong Duterte na ipasara na lang ang kumpanyang Converge ICT Solutions Inc. Kung hindi umano mahina at mabagal ang signal ay kadalasan ay nawawala ang internet connection na ang pinakaapektadong lugar ay ang Maynila at Quezon City batay sa rami ng mga reklamo at follow-up report. Nakakaranas din umano ng palpak na operasyon ng Converge ang Gen. Trias at Carmona sa Cavite, Tarlac City, Lilio at Davao City na putul-putol ang serbisyo ng internet hanggang sa tuluyan na itong mawala.
Isa pa sa ikinagagalit ng mga subscriber ay napakabilis magpadala ng bill at hindi umano gumagana ang hotline kaya’t kapag tinawagan ang kanilang customer service ay walang sumasagot na tanging machine-operated voice ang maririning. Hindi umano makapagbigay ng anumang paliwanag ang Converge sa patuloy na kapalpakan ng kanilang serbisyo. Itinayo ang Converge ICT Solution noong 2015 at mas kilala sa pinaigsing Converge na kilala rin ito sa Pampanga bilang ComClark na kakumpitensiya ng PLDT at Globe Telecom bilang providers ng Fiber-to-the-home broadband sa bansa.
- Latest