TESDA officials kinasuhan sa Ombudsman
MANILA, Philippines — Isang empleyado ng Technical Education and Skills Authority (TESDA) ang nagsampa ng P1.4 bilyon graft case laban sa ilang opisyales na responsable diumano sa pagbabayad ng milyong-milyong piso sa mga ghost training schools at manipulasyon ng bidding para sa mga school kits na ginagamit ng mga TESDA scholars.
Sinampahan ng kasong graft ni Armina Villanueva, empleyado ng TESDA sa Office of the ng Ombudsman sina TESDA administrative division’s chief, Pilar de Leon, Atty. Imelda Ong, Luz Victoria Amponin, Maria Magdalena Butad, Renato Geron, Gaspar Gayona, Dante Navarro at Maria Clara Ignacio.
Ang grupong ito ay inimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) makaraang ituro ni Villanueva na nasa likod ng pagbabayad sa mga ghost training schools sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Nagmula ang kaso sa investigation report ng TESDA board kung saan nakitaan ng manipulasyon sina De Leon at iba pa sa bidding process para sa procurement ng starter toolkits for the special training of students (STEP) para sa taong 2018 na ang kontrata ay nagkakahalaga ng P1.4 bilyong piso.
- Latest