Illegal vendors, tambay sa Baywalk pinalayas
MANILA, Philippines — Upang mas maging kaaya-aya at mapakinabangan ng mga namamasyal ang Baywalk ay nagsagawa kahapon nang paglilinis ang puwersa ng Manila City Hall at Manila Police District at pinalayas ang mga illegal vendors, tambay at taong grasa.
Sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang isagawa ng Manila Department of Social Welfare, Department of Public Services, Manila Action and Special Assignment at City Security Force ang operasyon at clean up drive sa Manila Bay.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada na ang clean up drive sa kahabaan ng Baywalk sa Roxas Boulevard ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang Manila Bay.
Inatasan ni Estrada ang mga otoridad na pairalin ang maximun tolerance sa mga sisitahin at paaalising vendors at tambay.
Nakahakot ang DPS ng sangkaterbang basura sa Baywalk at nangako na regular na lilinisin ang kahabaan ng Roxas Blvd.
- Latest