Pagtaas ng karahasan at terorismo... Puwersa ng pulisya at sundalo pinadadagdagan sa 4 lalawigan
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng kautusan ang Malacañang para sa karagdagan pang tropa ng pulis at sundalo sa apat na lalawigan dahil sa patuloy ang pagtaas ng karahasan at terorismo.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, nagpalabas ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pinirmahang Memorandum Order No. 32 na karagdagang puwersa ng pulis at militar sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental, at Bicol Region upang pigilan at mapahinto ang anomang anyo ng karahasan. Sa ilalaim ng inilabas na Memorandum Order, inaatasan ang pulis at military na pakilusin ang intelligence operation nito kontra sa sinomang indibidwal o grupo na may kinalaman sa paghahasik ng karahasan sa alinmang nabanggit na lalawigan.
Inaatasan din ang mga lokal na pamahalaan na ibigay ang lahat nitong suporta sa PNP at AFP habang tiniyak naman ng Malacañang na masusunod ang proseso sa pagpapatupad ng warrantless arrest kung kinakailangan at iba pang hakbangin gaya ng searches at checkpoint operation.
- Latest