Forever na cellphone number aprub na sa bicam
MANILA, Philippines — Kahit pa magpalipat-lipat ng telcom companies ang mga subscriber ay habambuhay na nilang taglay ang kanilang cellphone number.
Ito ay makaraang maaprubahan ng bicameral conference committee ang panukalang batas na naglalayong gawing forever ang cellphone number.
Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian, nagsulong ng panukala sa Senado karapatan ng mga postpaid at maging prepaid subscribers na mapanatili ang kanilang numero ng telephono kahit pa nagpalit na sila ng telecommunication company o provider.
Naniniwala si Gatchalian na mas magkakaroon ng kompetisyon sa pagitan ng mga telecommunications kung magkakaroon ng kalayaan ang mga subscribers na lumipat na hindi kinakailangang magpalit ng cellular phone number.
Kapag naging batas, aatasan ang lahat ng Public Telecommunications Entity (PTE) na bigyan ang kanilang subscribers sa buong bansa ng Mobile Number Portability (MNP) para mas mabilis na makalipat sa nais nilang service provider.
Maari ring lumipat ang mga subscribers sa papasok na third telecommunication company kung gugustuhin nila.
Idinagdag ni Gatchalian na walang magiging security impact ang panukala dahil ang dadalhin lang ay ang cellphone ng may-ari.
- Latest