Kasong murder vs 4 ex-solons, ibinasura
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Nueva Ecija RTC ang 14 taon na ng double murder case laban sa dating 4 leftist solons na sina dating congressmen Satur Ocampo, Teddy Casiño, Rafael Mariano at dating Gabriela partlist representative at National Anti-Poverty Commission convenor Liza Maza na kinasuhan sa pagpatay sa dalawang lalaki na kalaban nila sa pulitika noong 2006.
Pinaboran ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 28, ang isinampang motion of reconsideration ng apat na leftist solon na idismis ang case at ang inilabas na warrant of arrest kamakailan matapos na makitaan ng korte na walang sapat na ebidensiya para idiin sa kaso ang mga nabanggit na dating solons.
Ayon sa kampo ng tinaguriang Batasan 4 ang pagpapalabas ng warrant of arrest ay panlilito dahil botohan ito sa pagpapalit ng liderato ng Kamara kung saan napalitan ni Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo bilang House Speaker si Congressman Pantaleon Alvarez.
- Latest