^

Police Metro

2 karnaper tigok sa parak

Mer Layson - Pang-masa
2 karnaper tigok sa parak
Sinisiyasat ng mga tauhan ng QCPD-SOCO team ang pinangyarihan ng shootout kung saan bumulagta ang dalawang suspek matapos na mauwi sa habulan at barilan nang tangkain nilang takasan ang checkpoint na inilatag ng mga otoridad sa Brgy. Pinyahan, sa naturang lungsod.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Tigok ang dalawang karnaper makaraang manlaban sa mga pulis makaraang magsumbong ang isang construction worker na biniktima ng mga suspek sa Brgy. Pinyahan, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Hindi pa nakikilala ang dalawang napatay na suspek na ang una ay may edad na 25-30, 5”4 ang taas, habang ang ikalawa ay may edad na 40-45, at 5’3 ang taas.      

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-2:10 ng madaling araw sa NIA Road, malapit sa gate ng BIR office sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Bago ang barilan ay hinoldap at tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ng biktimang si Stephen Bermudez, 38, residente ng Marilao, Bulacan.

Nang maispatan at parahin ang mga suspek sa inilatag na checkpoint at follow up operation ng otoridad ay dito na nagtangkang tumakas ang mga suspek kaya nagkaroon ng running gun battle hanggang masukol ang dalawa at mapatay.

Nabawi sa mga suspek ang isang kalibre .45 na baril, isang kalibre .22, isang bag na naglalaman ng gamit, pera at maging ang motorsiklo ng biktima.

vuukle comment

CARNAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with