^

Police Metro

Guro kinatay ng nag-amok na estudyante; 2 pa grabe

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mistulang sinapian ng masamang espiritu ang isang estudyante matapos itong mag-amok na pinatay ang isang 60 anyos na matandang guro habang sugatan naman ang mister nitong Pastor at apong babae ng pagtatagain ng huli na nasawi rin sa insidente sa Brgy. Dila, Bay, Laguna kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang nasa­wing matanda na si Francisca Atienza, guro sa Christian Academy School sa naturang barangay. 

Ang nasawing suspek ay nakilala namang   si Jarelle Perez, estudyante sa Laguna State Polytechnic University (LPSU) sa bayan ng Sta Cruz at residente ng Brgy. Hanggan, Calauan; pawang sa lalawigan.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatang sina Juancho Atienza, 54 anyos, mister ni Francisca at  Pastor sa Baptist Church Bay Chapter at 15 anyos ng mga itong apo na si Isabelle Ann Raville, 4th year  student sa Christian Academy School.

 Sa ulat  ng tanggapan ni Sr. Supt. Joel Pernito, Acting Provincial Director ng Laguna Police,  bandang alas-9 ng gabi nang  magtungo ang nag-amok na si Perez  na kumatok at nagsabi pa ng ‘tao po’ sa tahanan ng pamilya Atienza sa nabanggit na lugar.

Gayunman nang pagbuksan ito ni Juancho ay agad itong pinukpok sa ulo ng  matigas na bagay ng estudyante saka pinagsasaksak at ng makita naman ito ni Francisca ay sumaklolo sa asawa kaya siya ang napagbalingang saksakin ng suspek at maging ang apo ng mga itong si Isabelle Ann na nasugatan.

Nakipag-agawan naman sa patalim ang Pastor sa pagtatanggol sa sarili gayundin sa kaniyang misis  at apo  na nagawa ring masaksak ang suspek na nagtatakbo sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan na binawian rin ng buhay sa insidente. Inaalam na ang motibo ng krimen.

 

BAY

BRGY. DILA

LAGUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with