Paglabas ng bagyong Marce, bumagal
MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na bumagal ang galaw ng bagyong Marce habang tinatahak ang direksyon ng hilaga hilagang kanluran sa Pangasinan.
Base sa inilabas na weather bulleting ng Pagasa dakong alas-11:00 ng umaga,si Marce ay namataan 395 kilometers sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan na may taglay na lakas ng hangin sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong na aabot sa 105 kph.
Kumikilos ang bagyo patungong hilaga hilagang silangan sa bilis na 11 kph.
Hindi na nakaka-apekto ang nasabing bagyo sa bansa at tinanggal na rin ang lahat ng signal sa mga rehiyon at inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.
- Latest