^

Police Metro

SAF nag-take over na sa Bilibid

Lordeth Bonilla at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Idineploy kahapon ng pamunuan ng PNP ang kanilang  elite personnel na Special Action Force (SAF) na umaabot sa 320 upang palitan ang mga guwardya ng New Bilibid Prisons (NBP), na kung saan ay talamak umano ang irregularidad sa loob tulad ng gun running at illegal drug trade.

Pinaalalahahan ni Philippine National Police (PNP) chief Director Ronald “Bato” Dela Rosa ang SAF  na huwag tumanggap sa mga posibleng pagbibigay ng lagay mula sa mga preso.

“’Wag kayong magpa-corrupt, ‘wag kayong magpapaloko sa baba. Isang report lang na isa sa inyo ay tumanggap ng bribe, kahit piso o kahit isang balot ng candy, that will destroy everything,” wika ni Dela Rosa.

Siniguro rin ni Dela Rosa sa mga preso ang kanilang kaligtasan sa kamay ng mga SAF commandos.

“Ito pong mga dala namin Special Action Force, sila po’y mga pulis. Hindi sila mga berdugo. Huwag n’yo pong isipin na sila’y pinapunta rito para kayo ay pagpapatayin yung mga tao diyan sa loob, sila po ay andito para gampanan ang trabaho kung saan nagkukulang itong mga ating present na guwardiya” wika ni Dela Rosa.

Bago ang pag-takeover ng SAF ay inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang  PNP Scene of the Crime Operatives (SOCO) na magsagawa ng pag­halughog sa  NBP Buil­ding 14 na pinagkukulungan 53 preso kabilang ang mga high profile na preso tulad ng mga drug lord na sina Herbert Colangco at Peter  Co na pansa­mantala munang inilipat sa dalawang bus para sa pagsasagawa ng inspection sa mga itinatagong kontrabando  tulad ng mga cellphone.

Tiwala si Aguire na hindi matutukso ang SAF sa mga lagay at gagawin din niya ang pagbalasa ng bawat personnel sa loob ng dalawa o tatlong buwan para maiwasan ang familiarity sa mga preso.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with