^

Police Metro

Global action kailangan sa climate change - Tolentino

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Upang mabawasan ang global warming catastrophe ay nagbigay paalala si senatorial aspirant at disaster preparedness advocate Atty. Francis Tolentino ang kahalagahan ng final agreement at commitment ng mga bansang bumubuo sa Conference of Parties (COP) 21 sa France.

Subalit, nangangamba si Tolentino na hindi lubusang papayag ang mga developing countries sa pagbabawas ng gas emissions sa gitna ng climate change.

“Mahalaga ang lalabas na agreement sa COP21 pero hindi ako sigurado kung may mangyayari sa final agreement. Kailangan may commitment sa agreement ang industrialized or developed nations yung mga major player like China, United States at Europe para ma-achieve ang target to in keeping the rise in global temperatures to less than 2 degrees Celsius,” pahayag ni Tolentino.

Anya, kinakailangan ng tulong ang lahat ng mga bansa sa buong mundo upang masolusyunan ang climate change.

Batay sa impormasyon, tumaas na ang global temperatures ng one degree celsius simula noong 19th century at ang target ng COP 21 ay hindi na ito umangat pa sa higit two degrees celsius.
Umaasa naman si Tolentono na papayag ang mga developed countries na i-subsidize ang mga third world countries sa pamamagitan ng insurance pool upang mabawasan ang epek­to ng climate change.
Iginiit pa ni Tolentino na maaring makatulong ang lahat kung pananatilihin ang mga sasakyan na laging naka-tuned up.

ACIRC

ANG

ANYA

BATAY

CONFERENCE OF PARTIES

FRANCIS TOLENTINO

IGINIIT

KAILANGAN

MGA

TOLENTINO

UNITED STATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with