^

PSN Palaro

Bayla pumana ng gold sa PNPG

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumana si archer Elizabeth Bayla ng gold medal sa women’s compound open division ng 8th Philippine National Para Games kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex.

Tinalo ng 56-anyos na si Bayla si Paris Paralympian Agustina Bantiloc sa 15-arrow Olympic round, 132-131, para angkinin ang ginto sa five-day meet na inorganisa ng Philippine Paralympic Committee katuwang ang Philippine Sports Commission.

“Mahigpit ang laban namin. Kahit sino pwedeng manalo sa amin,’’ ani ng tubong Baguio City na lumipat sa compound event matapos pagreynahan ang women’s recurve open noong 2019 edition ng PNPG.

Bumandera si Bantiloc sa 72-arrow elimination phase sa kanyang 639 points tampok ang 19 na tumama sa bullseye.

Nagtala naman si Bayla ng 25 perfect shots at tumapos na may 637 points.

Hangad ngayon ni Bayla na makapaglaro sa 2028 Los Angeles Paralympics.

ELIZABETH BAYLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with