Street crimes sa Metro Manila bumaba
MANILA, Philippines – Sa panahon ng pagdaraos ng Association of Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa bansa ay bumaba ng malaking porsiyento ang bilang ng mga insidente ng street crimes sa National Capital Region (NCR) bunga ng maigting na pagpapatupad ng seguridad ng pulisya at tropa ng mga sundalo.
Ayon kay PNP at APEC 2015 Security Task Force (STF) Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor ang pagbaba ng krimen sa Metro Manila, isang linggo bago ganapin at hanggang sa idaos na mismo ang event mula Nobyembre 9 hanggang 19 ng taong ito.
Mula sa 138 insidente ng street crimes mula Nobyembre 9-12 ay bumaba ito sa 120 kaso sa panahon ng APEC week (Nobyembre 16-19).
Sa mga insidente sa nakawan na naitala sa 56 mula Nobyembre 9-12 ay bumaba ito ng 44 kaso sa buong linggo (Nobyembre 16-19) na ginaganap ang APEC Summit.
- Latest