Condonation doctrine pwedeng gamitin ni Mayor Binay-law experts
MANILA, Philippines – Maaari pa rin gamitin ni Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr., ang condonation doctrine sa pagkuwestiyon sa ginawang pagdismis sa kanya ng Ombudsman simula nang iabandona ng Supreme Court ang doktrina na inaasahan na maaaring gamitin sa mga hinaharap na kasong darating.
Ito ang naging pahayag nina dating Integrated Bar of the Philippines president Vicente Joyas, dating University of the East law dean Amado Valdez at dating University of the Philippines law dean Pacifico Agabin.
Sumangayon ang mga law experts na maaari pa ring kuwestiyunin ni Binay ang dismissal order ng Ombudsman noong nakalipas na buwan at maibalik sa kanya ang posisyon bilang alkalde sa pamamagitan nang paggamit ng nasabing doktrina na pwedeng magpatawad sa isang nahalal na opisyal na may nagawang pagkakamali.
“He can still invoke the doctrine if the decision of his dismissal is premised on the non-application of the doctrine and Junjun invoked it in that case,” wika ni Joyas.
Sinang-ayunan nina Valdez at Agabin ang pahayag ni Joyas at binigyang diin ang kahalagahan ng “prospective” nature sa naging desisyon ng SC sa pag-abandona ng condonation doctrine, na humahadlang para maging “retroactive.”
Binigyang muli ni Valdez na ang umano’y illegal na pagkaso laban kay Binay ay dapat na nangyari bago ang doktrina ay ibinasura ng SC.
Hindi naman sumangayon sa mga pahayag ng legal experts si SC spokesman Theodore Te, na naniniwala na si Binay ay hindi na maaaring gamitin pa ang doctrine laban sa pagsibak sa kanya dahil sa kaso ng Makati parking building.
- Latest