3 mayor sa Mindanao sinibak ng Ombudsman
MANILA, Philippines – Tatlong mayor at 27 iba pang local officials sa lalawigan ng Mindanao ang sinibak sa serbisyo ng Ombudsman dahil sa grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Ang mga sinibak sa serbisyo ay sina Cagayan De Oro (CDO) City Mayor Oscar Moreno; Mayor Vicente Fernandez ng Matanao, Davao Del Sur at Mayor Mamintal Adiong ng Ditsa-an Ramain, Lanao del Sur.
Bukod sa pagtanggal sa serbisyo, hindi na rin ang mga ito pinapayagan na magtrabaho sa alinmang tanggapan sa gobyerno.
Sa desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, napatunayang nagkasala si Mayor Moreno nang pumasok sa isang settlement agreement sa pagitan ng Ajinomoto-Philippines ng walang otorisasyon ng Sangguniang Panlunsod na labag sa R.A.No. 7160 (The Local Government Code). Ang kasunduan ay may kinalaman sa pagpayag na bayaran ng Ajinomoto ng P300 thousand lamang sa halip na bayaran ang local business tax deficiency na P2.9 million.
Ang pagsibak sa serbisyo kay Mayor Fernandez dahil sa kasong criminal nang paslangin ang isang mediaman at patuloy pa rin ang pagsasagawa ng tungkulin kahit nasa kulungan tulad ng pagpapalabas ng office orders, business permits at appointments, pagpirma ng mga official documents at iba pa.
Napatunayan naman na guilty si Mayor Adiong nang iutos ang pagsunog sa isang trak na pagmamay-ari ng JERA General Construction na inarkila ng Lanao del Sur Electric Cooperative, Inc. (LASURECO) para maglagay ng concrete electric posts at distribution lines sa bayan.
- Latest