Abaya atbp kinasuhan sa Ombudsman dahil sa tanim-bala
MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong administratibo sa tanggapan ng Ombudsman ni Senador Alan Peter Cayetano sina Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya at mga airport officials kaugnay ng kontrobersiyal na tanim-bala scam sa paliparan.
Kasama ni Cayetano na nagsampa ng kaso sina Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jimenez at Network of Independent Travel Agents (NITAS) Chairman Robert Lim Joseph.
Bukod kay Abaya ay kinasuhan din sina Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado, Office for Transportation Security (OTS) Administrator Rolando Recomono at Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-Avsegroup) Director Pablo Balagtas.
Nais ng mga respondents na isailalim sa preventive suspension ang mga akusado habang iniimbestigahan kaugnay ng kaso.
Giit din ng mga complainants sa Ombudsman na agad na sibakin sa puwesto ang mga akusado oras na mapatunayang nagkasala dahil sa hindi pagtupad sa kanilang responsibilidad sa ilalim ng Executive Order 226 o command responsibility.
Ang kaso ay isinampa makaraang magreklamo ang mga nabiktima ng tanim-bala na modus operandi ng sindikato sa NAIA para makapangikil ng pera sa mga biktima.
- Latest