IRA ng LGU dagdagan-Tolentino
MANILA, Philippines – Kung papalarin na manalong senador sa 2016 ay aamyendahan ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino na nagsilbing din mayor ng Tagaytay City ng tatlong termino ay amyendahan ang Local Government Code upang madagdagan ang alokasyon ng Internal Revenue Allotment(IRA) batay sa performance ng local government units.
Bukod dito ay nanawagan din si Tolentino sa kanyang kapwa kandidato sa pagkasenador na magkaroon ng mas makabuluhang diskusyon sa mga isyu tulad ng Spratlys, West Philippine Sea, disaster recovery at rehabilitation.
Si Tolentino na kilalang nagsusulong ng disaster preparedness ay magpapanukala na kung sakaling manalong senador ay dapat maglalaan ng pondo ang pamahalaan sa Community Rehabilitation/Recovery Trust Fund para sa local government units; at paglikha ng Police Youth Reserve Corps na tutulong hindi lang sa peace and order kundi pati na rin sa disaster response.
Sinabi ni Tolentino, ang kanyang karanasan bilang local chief executive at MMDA chairman ang nagpakita sa kanya sa negatibong epekto ng urbanisasyon, na sa kanyang paniwala ay maiiwasan sa pamamagitan ng paglikha ng Philippine Urban Development Commission.
- Latest