^

Police Metro

Sa naganap na malaswang pagtitipon ng LP... P-Noy ‘di magso-sorry

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala anyang dahilan para humingi ng public apology si Pangulong Noynoy Aquino sa umano’y nangyaring kalaswaan ng pagtitipon ng Liberal Party sa Laguna kung saan nagdiwang ng kanyang kaarawan si Laguna Rep. Benjie Agarao.

Sinabi ni Deputy pre­sidential spokesperson Abigail Valte, walang kinalaman sa nasabing partikular na ‘performance’ ang Pangulo at hindi rin niya alam na nangyayari ito.

“Oo. Nakita ko ‘yang online petition (ng public apology) na ‘yan at si P-Noy mismo ang pinag-a-apologize. You know, at least… Again, can I be allowed to emphasize that that particular event—hindi ‘yung event, ‘yung performance—the President had nothing to do with it. The President had no idea that it was happening.” wika ni Valte

Nilinaw din ni Valte na hindi papayagan ng Pangulo na ang kahalintulad na pangyayari na magbaba sa dignidad ng mga kababaihan.

Naglabas na naman anya ng kanya-kanyang pahayag ang mga lider ng Liberal Party katulad ni Senate President Franklin Drilon na hindi umano palalampasin ang nasabing pangyayari.

Naniniwala si Valte na dapat ipaubaya na lamang sa partido ang pagresolba sa nasabing isyu kung saan matinding nabatikos ang LP at nadamay rin ang Pa­ngulo.

ABIGAIL VALTE

ACIRC

ANG

BENJIE AGARAO

DRILON

LAGUNA REP

LIBERAL PARTY

NAGLABAS

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

VALTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with