Kampanya vs krimen sa Caloocan, hiniling paigtingin
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Senen Sarmiento na paigtingin ang kampanya laban sa iba’t ibang uri ng krimen sa Camanava area partikular sa Caloocan City.
Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, lantaran ang mga ilegal na sugal tulad ng jueteng at sakla, prostitusyon, drug trafficking at patayan, pero tila nagbubulag-bulagan ang pulisya at pamahalaang lokal sa mga pangyayari.
“Kamakalawa lang, may pugot na bangkay sa Brgy. 188 kasunod ng pagpatay sa isang pulis sa Bagong Barrio at isang babae sa 3rd Avenue, ito ba ang lungsod na binigyan ng DILG ng Seal of Good Local Governance?” tanong ni Pineda na taga-Sangandaan.
Nilinaw ni Pineda na dalawang pulis na ang napatay sa Bagong Barrio, may natuklasang shabu tiangge sa Brgy. Camarin at lantarang ang prostitusyon mula Grace Park hanggang Monumento.
“May balita pang kamag-anak ni Mayor Oscar Malapitan ang jueteng operator sa buong lungsod,” diin ni Pineda.
- Latest