^

Police Metro

Lito kay Erap: Tumigil ka na!

Pang-masa

MANILA, Philippines - “Itigil na ang pagsasapribado ng mga palengke sa lungsod ng Maynila”.

Ito ang apela ni Buhay partylist  Rep. Lito Atienza kay Manila Mayor Joseph Estrada dahil ang kanyang programa ay malinaw na lumalabag sa City Charter ng Manila tulad ng pagsasapribado ng mga pampublikong pamilihan.

Sa halip umano na gibain at isapribado mas mainam na i-repair o i-rehabilitate na lamang ang 17 public markets sa lungsod dahil sa mahalaga umano ang operasyon nito sa pagbibigay ng public service.

Lubhang maapektuhan na rin ang mga Manileno dahil sa pag-sinapribado ang mga pamilihan ay tiyak na mula sa P20 na bayad sa mga puwesto ay magiging P80 na ito o higit pa na ipapasa sa mga mamimili.

Anya, historical na ang Quinta market, subalit wala pa itong 100 taon para gibain dahil ginastusan din ito ng lokal na pamahalaan noong siya pa ang alkalde ng Maynila.

Nagbabala ang kongresista na kapag nakalusot ang plano ni Erap na isapribado ang mga palengke sa Maynila ay bibilhin na rin ng mayayaman ang buong palengke sa bansa at mawawalan ng hanapbuhay ang mahihirap na Filipino.

Samantala, nagsagawa  kahapon ng ‘market holiday’  ang mga vendors mula sa pitong palengke sa Maynila  na isinailalim sa  joint venture agreement kasunod ang pagrarali sa harap ng Manila  City Hall.

Tinututulan din ng grupo ang Manila City Council Ordinance 8346 na nagbibigay kapangyarihan kay Estrada na pumasok sa kasunduan sa mga private sector  para sa pagsasapribado ng mga pampublikong pamilihan sa lungsod.

 

ANG

ANYA

BUHAY

CITY CHARTER

CITY HALL

LITO ATIENZA

MANILA CITY COUNCIL ORDINANCE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with