5 pulis sinibak sa puwesto... bading, BF inutusang mag-oral sex
MANILA, Philippines - Nagsampa ng reklamo ang isang 38-anyos na bading at nobyo nito laban sa limang pulis kabilang ang isang precint commander matapos na sila ay kotongan at inutusan na magsagawa ng oral sex habang nasa loob ng police station sa Sta. Mesa, Maynila noong nakalipas na buwan.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Inspector Rodolfo Leechui, precint commander sa Station 8 sa V. Mapa, Sta.Mesa at mga tauhan na sina SPO1 Renato Ablaza, PO3 Ruel Aguilar, PO2 Patrick Guevara at PO2 Ronald Robles.
Sa salaysay ng biktimang si Michael Hingpit, 38-anyos na noong Agosto 8, siya at ang kanyang nobyo ay naglalakad sa kahabaan ng V. Mapa kanto ng Peralta St., Sta. Mesa, Maynila nang hulihin ng mga pulis at inakusahan ng “illegal possession of drugs” dahil sa umano’y dalang shabu.
Dinala ang magnobyo sa nasabing police station at kinuha ng nasabing mga pulis ang lamang P5,000 sa wallet ni Hingpit at pinagsusuntok ang mga ito at inutusang magsagawa ng ‘oral sex’ upang sila ay panoorin.
Nang tumanggi si Hingpit ay sinabihan itong magprodyus ng pera para hindi ituloy ang kaso.
Agad naman sinibak sa puwesto ni Manila Police District (MPD) Director P/Chief Supt. Rolando Nana ang limang pulis at kinuha na rin ang mga service firearms at tsapa.
“Anytime from now, I expect them to report to the (district) support unit, pending investigation. Once a criminal case is filed and they are needed at the fiscal, they will be at the
support unit,” pahayag ni Nana.
- Latest