130 katao nalason sa pansit
MANILA, Philippines - Nadala sa ospital ang nasa 130 katao na pawang residente ng Brgy. Takunel matapos na sila ay malason sa kinaing pansit na handa sa anibersaryo ng isang relihiyon sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Sa ulat na natanggap ng Office of Civil Defense (OCD) Region 12 dumalo sa kanilang anibersaryo ang mga miyembro ng Salvacion Army na sinilbihan ng pansit para sa pananghalian.
Matapos makain ang pansit ay dumaing ang mga miyembro nito na karamihan ay mga bata ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae kaya agad na dinala sa pagamutan.
Lumitaw sa imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng madaling araw nitong linggo ay inihanda na ang nasabing pansit ng mga kabataang miyembro ng Salvacion Army na isinilbi sa pananghalian.
Kasalukuyan na ring sinusuri ng mga health officials ang sample ng pansit na nakain ng mga biktima.
- Latest