^

Police Metro

Paslit pinagalitan ng guro, nagbigti

Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi umano matanggap ng isang 10-anyos na batang lalaki nang pagalitan ng kanyang guro kaya’t nagbigti ito kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot ng buhay sa Alabang Medical Hospital ang biktimang si Rico Roda, grade 3 pupil, nakatira sa Phase 3, Block 45, Lot 51, Southville, Barangay Poblacion ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-6:20 ng gabi nang umuwi ang biktima sa kanilang bahay at naabutan nito ang kanyang ate na si Rosemarie at ang nobyo nitong si Maren na nanonood ng telebisyon.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang ate na siya ay pinagalitan ng kanyang guro sa hindi pa malamang kadahilanan.

Ilang minuto ay nagpaalam na ang nobyo ni Rosemarie at napansin ang kapatid na pinaglalaruan ang hawakan ng school bag nito.

Dumating ang isang Andy Perez at isinusumbong kay Rosemarie ang kapatid nitong si Rico  at  ang kanyang anak ay nag-away.

Kaya’t hinanap ni Rosemarie ang kapatid upang tanu­ngin sa nasabing sumbong, subalit wala sa sala ang biktima at maging sa kuwarto nito.

Dakong alas-7:00 ng gabi ay nagtungo si Rosemarie sa likod ng kanilang bahay at nakita ang kapatid na nakabigti ang leeg gamit ang hawakan ng bag.

Samantala, dalawang lalaki din ang napaulat na nagbigti sa Quezon City kamakalawa.

Ang unang biktima ay nakilalang si Nilo Pereyra, 25, na nasawi habang dinadala sa ospital, matapos magbigti dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa no. 7 Ruby St., Sitio Rasbusna, Brgy. East Fairvew.

Ang hinihinalang dahilan ay nang makatanggap ng tsismis ang biktima na ang kinakasamang si Rose Ann Embestro ay  mayroong kinalolokohang ibang lalaki.

Ang ikalawang biktima ay kinilalang si Ronnie Navarro, 24, na natagpuang din nakabigti dakong alas-9:35 ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa no. 15 Ilocos Sur St., Brgy. Sto. Cristo, Bago Bantay sa lungsod.

vuukle comment

ALABANG MEDICAL HOSPITAL

ANDY PEREZ

ANG

BAGO BANTAY

BARANGAY POBLACION

BRGY

EAST FAIRVEW

ILOCOS SUR ST.

MUNTINLUPA CITY

NILO PEREYRA

ROSEMARIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with