Higit 4K katao, ‘binusog’ sa DSWD’s Walang Gutom Kitchen
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa higit 4,000 katao na dumaranas ng gutom ang ‘binusog’ ng programang Walang Gutom Kitchen mula nang mailunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang food bank sa Pasay City noong Disyembre 16.
“We were able to feed a total of 4,452 individuals experiencing involuntary hunger from its launching date up to December 24,” pahayag ni DSWD Asst. Secretary at spokesperson Irene Dumlao.
Aniya ang mga napakain ay mga pamilyang nasa lansangan at mga pamilyang dumaranas ng gutom. Ito ay naisagawa sa tulong ng mga donasyon mula sa hotels, restaurants at ibang establisimiento.
“We are very grateful for the food donations from the different establishments. We would like to reiterate that the food we are offering is not discarded food or ‘pagpag’ as some people call it,” dagdag ni Dumlao.
Tinitiyak ni Dumlao na ang mga pagkain na ipinagkakaloob ng Walang Gutom Kitchen ay laging bago, masarap at healthy.
Pinasalamatan din ni Dumlao ang mga volunteers na nakiisa sa pamimigay ng pagkain.
Ang Walang Gutom Kitchen ay bukas simula kahapon hanggang sa Disyembre 31 at pansamantalang isasara sa January 1, 2025, New Year’s Day.
- Latest