Batas vs climate change, ipatupad - Rep. Atienza
MANILA, Philippines - Upang malabanan ang matinding epekto ng climate change sa bansa, dapat ang mahigpit na pagpapatupad ng batas na may kinalaman sa kalikasan.
Ayon kay Buhay Party-list Lito Atienza, marami na ang batas na may kinalaman sa kalikasan sa Asya subalit kulang sa pagpapatupad nito kaya dapat na magkaroon ng konkreto at agarang aksyon sa lumalaking banta dala ng climate change.
Paliwanag pa ni Atienza, noong 2007 sa ginanap na Climate Change Conference sa Bali, Indonesia ang Pilipinas ang isa sa binanggit na lubhang maapektuhan ng climate change tulad ng pagtaas ng sea level at storm surges na maaaring tumaas hanggang 20-talampakan.
Base rin umano sa ulat ng United Nations Climate Change Commission, tinataya na sa 2015 mararanasan ang full destructive impact ng climate change.
Giit ng kongresista, kapag nangyari ito sa Manila Bay ang buong Maynila ay lulubog sa tubig tulad umano ng nangyari noong nanalasa ang super typhoon Yolanda.
- Latest