^

Police Metro

MPD dinepensahan ang paggamit ng kadena sa 4 high risk prisoners

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinepensahan at nagpaliwanag kahapon ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa kanilang paggamit ng kadena sa apat na presong inilipat ng kustodiya sa Manila City Jail (MCJ) na binatikos ng mga netizen sa social media.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Legal chief at hepe ng Anti-Human Trafficking Unit na kaya sila gumamit ng kadena dahil maitutu­ring na high value detai­nees ang apat na preso at nais lang masigurong hindi sila makakatakas upang maharap sa kanilang mga kaso sa korte.

Anya, ang ordinar­yong posas diumano ay mas madaling makalas nang pasubukan sa mga kapwa detainees na sundutin ng stick sa MPD Integrated Jail  kaya gumamit na lamang sila ng kadena at kandado.

Nag-ugat ang isyu nang maging trending sa social media ang litrato na nagmumukhang kawawa ang 4 na preso na inakala ng netizens na ang isa sa apat ay babae.

Katunayan, ang nakasuot pambabae ay isang bading, ang isang matandang lalaki ay bading din.

Tatlo sa kanila ay nahaharap sa kasong human trafficking dahil sa pambubugaw sa mga dalagita o menor-de-edad na nai-recruit sa Maynila at ibenebenta sa isang night club sa Apanay, Alicia, Isabela. Isa rito ang may kasong murder.

 

ALICIA

ANTI-HUMAN TRAFFICKING UNIT

ANYA

APANAY

DINEPENSAHAN

INTEGRATED JAIL

ISA

MANILA CITY JAIL

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with