^

Police Metro

Whistleblower sa pork scam, 2 pa kinasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong graft sa Ombudsman si da­ting Nueva Ecija vice governor Edward Thomas Joson laban  sa pork barrel scam whistleblower na si Marina Sula, Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali at isang Anota Tansipek matapos na magsabwatan sa  umanoy  maanomalyang pagbili ng mga  de-boteng pataba at irrigation pumps.

Batay sa reklamo ni Joson, noong December 2005, si Umali na noon ay Congressman ay pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng Masaganang Ani para sa Magsasaka Foundation Inc. (MAMFI) na isang pekeng NGO ni Janet Lim Napoles na pinamamahalaan ni Sula para bumili at mamahagi ng pataba sa mga qualified farmer-beneficiaries ng distrito nito gamit ang kanyang PDAF.

Ginamit ng MAMFI  ang P12-milyon para ipambili ng 7,920 botelya ng liquid fertilizers para sa mga umanoy napiling benepisyaryo ng proyekto ay ang bayan ng Gabaldon at General Natividad sa Nueva Ecija at ang bawat botelya ng pataba ay nagkakahalaga lamang ng P50.00 hanggang P150.00 pero ginawa umanong P1,500.00 kada botelya.

Ilang araw ang lumipas ay nakipagkasundo naman si Umali sa Samahan ng mga Manininda ng Prutas sa Gabi, Inc. (SMPGI)  na pinangangasiwaan ni Tansipek para sa pagbili ng irrigation pumps na may halagang P3 milyon.

Umaabot lamang sa P40,000 hanggang P55,000 ang halaga ng diesel engine  at water pump, subalit ang nailagay umano na halaga ay P120,000 bawat pares.

vuukle comment

ANOTA TANSIPEK

AURELIO UMALI

EDWARD THOMAS JOSON

GENERAL NATIVIDAD

JANET LIM NAPOLES

MAGSASAKA FOUNDATION INC

MARINA SULA

MASAGANANG ANI

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with