^

Police Metro

Pagsuot ng motorcycle helmet pinasususpinde

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nais ni Zamboanga Rep. Celso Lobregat na suspendihin ang implementasyon ng Motorcycle Helmet Act 2009, Ito ay dahil sa pagtaas ng krimen na kinasasangkutan ng motorcycle riding- in-tandem.

Anya, lubhang nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng mga kriminalidad tulad ng pagpatay gawa ng mga motorcycle rider.

Batay sa 2014 report ng PNP mahigit sa 3,000 krimen ay dahil sa kagagawan ng  motorcycle rider.

Nais ng kongresista na isang taong suspendihin ng naturang batas at maaaring palawigin sa depende sa rekomendasyon ng mga lokal na opisyal.

Sa kanyang House Bill 4438 na nagpapahirap sa mga otoridad ang pagresolba sa mga krimen dahil nakasuot ng helmet ang mga suspek.

Bagamat nakasaad sa RA 10054 o ang motorcycle helmet act of 2009 ang kahalagahan ng protective gears tulad ng helmet para maproteksyunan ang motorcycle riders ay kinukunsidera naman ng panukala ang seguridad at kapakanan ng publiko mula sa mga kriminal  na sinasamantala ang batas para maitago ang kanilang mga mukha.

ANYA

BAGAMAT

BATAY

CELSO LOBREGAT

HOUSE BILL

MOTORCYCLE

MOTORCYCLE HELMET ACT

ZAMBOANGA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with