^

Police Metro

Panawagan ni VP Binay kay P-Noy... NSC pakilusin vs giyera sa Mindanao

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tipunin ang Natio­nal Security Council (NSC) upang tantyahin ang sitwasyong pang-kapayapaan at seguridad ng bansa at alamin ang mga tamang hakbang bunsod ng sunud-sunod na bakbakan sa Min­danao.

Ito ang naging pa­nawagan kahapon si Vice President Jejomar Binay kay Pangulong Benigno Aquino III dahil sa posibleng pagpupulong ng NSC ay maaaring i-assess ang kasaluku­yang “peace and order at security situation” sa bansa at makagawa rin ng mga mekanismo para makapaghanda ang mga alagad ng batas at armed forces na tumugon nang mabilis sa anumang banta at kaguluhan.

Binigyang-diin ni Binay na matapos ang sunud-sunod na insidente ng karahasan sa Mindanao, mahalaga na makapaghanda ang pamahalaan sa posibilidad na susunod na mangyayari sa hinaharap.

“The NSC meeting will provide our security forces the framework to act, keeping in mind that our ultimate goal is to ensure stability and pursue peace in Mindanao,” ani Binay.

Ang NSC ay binubuo ng Pangulo, Bise Presidente, chief of staff ng Armed Forces of the Philip­pines, director ng National Security Council, ang executive secretary, at mga kalihim ng Departments of Foreign Affairs, National Defense, Interior and Local Government, Justice at Labor and Employment.

Idinagdag pa ni  Binay na matapos ang bigong police raid sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ay muling nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng Moro islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters noong Sabado at dito ay nasa mahigit 15,000 residente sa Kabasalan, Barongis, Buliok, Bago Inged, Bulol at Rajamuda sa Pikit, North Cotabato at Kalbugan at Buliok sa Pagalungan, Maguindanao ang nagsilikas at iniwan ang kanilang tahanan dahil sa bakbakan.

ARMED FORCES OF THE PHILIP

BAGO INGED

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BINAY

BISE PRESIDENTE

BULIOK

DEPARTMENTS OF FOREIGN AFFAIRS

LABOR AND EMPLOYMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with