^

Police Metro

Marwan plinanong bombahin ang convoy ni Pope Francis sa Maynila

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isiniwalat ni relieved PNP-Special Action Force (SAF) Chief Getulio Napeñas sa pagharap niya sa pagdinig ng Se­nate Public Order Committee Lunes ng umaga ukol sa madugong eng­kwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 SAF commandos na pinagplanuhang pasabugin ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong Enero 18.

Ayon kay Napeñas, isa sa mga target ng operasyon ng SAF sa Mamasapano na si Zulkifli Bin Hir alyas “Marwan” ang kabilang sa mga nasa likod ng planong pagpapasabog.
Si Marwan anya ang siyang nakikipag-ugnayan sa terrorist group na Jemaah Islamiyah.

Plano umano ng Jemaah Islamiyah sa tulong ni Marwan na magpasabog habang tumatakbo ang papal convoy mula TM Kalaw sa Maynila noong Enero 18.

Hindi man umano ito kinumpirma o itinanggi ng PNP, na mayroong impormasyon ukol sa planong pagpapasabog.

Ibinahagi pa ni Napeñas na nitong nakalipas na dalawang araw, may impor­masyong nasa 30 estudyante ni Marwan, na pawang bihasa sa pagpapasabog, ang nagkalat sa Central Mindanao.
Mga ebidensya lamang anya ito kung gaano kapanganib si Marwan na sinasabing napatay na sa Mamasapano mission noong Enero 25.

 

CENTRAL MINDANAO

CHIEF GETULIO NAPE

ENERO

JEMAAH ISLAMIYAH

MAMASAPANO

MARWAN

POPE FRANCIS

PUBLIC ORDER COMMITTEE LUNES

SI MARWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with