^

Police Metro

Seaman inireklamo ang taksil na asawa

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang isang mag-ama laban sa misis nito ng pangangalunya at pananakit.

Itinago ang mister sa pangalang Adong, 35, at anak nito sa pangalang Junior, 11 kapwa residente ng Novaliches, Quezon City.

Sa reklamo ni Junior sa pulisya, hindi na niya matiis ang pananakit na ginagawa ng ina na itinago sa pangalang Magda, dahil sa nahuhuli niya itong pinagtataksilan ang kanyang tatay na seaman na ginagawa pa sa loob ng kanilang bahay.

Ang insidente ay naganap sa ilang okasyon simula noong Dec. 2014 at January 4, 2015, sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City na mga panahong iyon ay nagtatrabaho bilang seaman ang ama simula pa noong 2011.

Sa salaysay ni Junior na madalas umano silang saktan na magkapatid at tinututukan ng kutsilyo at pinagsasabihang huwag magsusumbong sa kanilang ama kapag nakikipag-inuman siya sa kaibigan at magpatulog ng ibang lalaki sa loob ng kanilang bahay.

Nakikita ni Junior ang kanyang ina na nakiki­pagtalik sa ibang lalaki sa tuwing dadalhin niya ito sa kanilang bahay.

Nitong December 12, 2014, dumating ang ama ni Junior at dito ay nalaman ang kalupitan ng misis sa kanyang mga anak.

Nitong January 4, 2015 ay ipinagtapat ni Junior ang ginagawang pananakit sa kanila ng kanilang nanay gayundin ang ginagawa nitong pakikipagtalik sa ibang lalaki kaya’t nagpasya ang tatay na kasuhan ang misis nito at kalaguyo.

 

vuukle comment

ADONG

BRGY

ITINAGO

JUNIOR

KANILANG

NITONG DECEMBER

NITONG JANUARY

QUEZON CITY

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with