PNP full alert sa pagbisita ng Santo Papa
MANILA, Philippines - Isasailalim na sa full alert status ng Philippine National Police ang 150,000 puwersa nito sa darating na Lunes (Enero 12) upang matiyak ang seguridad ng milyong deboto na dadagsa para sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa.
Ayon kay PNP Officer in Charge P/Deputy Director General Leonardo Espina, nakalatag na ang lahat ng security measure sa pagbisita ni Pope Francis mula Enero 15-19.
Sinabi ni Espina na nagsasagawa ng security rehearsal ang lahat ng multi-agency sa ilalim ng Joint Task Group Papal Visit 2015 upang madetermina kung ano pa ang kulang sa paghahanda, lalo na ang pagbabantay sa Quirino Grandstand, Manila Cathedral, Mall of Asia, UST at sa iba pang lugar na dadaanan ni Pope Francis.
Ang PNP ay magde-deploy ng 25,000 pulis para mangalaga sa seguridad ng Santo Papa kasama ang 7,000 sundalo sa AFP at 5,000 pang reservist ng tropa ng militar.
Ang Santo Papa ay nakatakda ring bumisita sa mga survivors ng super typhoon Yolanda sa Tacloban City at Palo, Leyte.
- Latest