7 trigger happy na nagging viral sa social media, kinasuhan
MANILA, Philippines – Kinasuhan na ng kasong kriminal ang 7 lalaki na naging viral ang mga larawan at video sa Facebook na nagpaputok ng mga baril sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Narvacan, Ilocos Sur.
Inihayag ni Ilocos Sur Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Nestor Felix, na sinampahan na ng kasong alarm ang scandal sa Narvacan Municipal Circuit Regional Trial Court (MCRTC) ang mga natukoy na suspek na sina Philip Andrew Lutchina Funtanilla, nagposte sa account nitong si Drew Lutchina ng mga ebidensyang nagpahamak sa mga suspek sa kaniyang facebook.
Ang iba pa ay sina Mark R-Jay Cabana, Jumar Cabreros, Ian Cristopher Calixterio, Russel Funtanilla, Philip Andrew Funtanilla, at Geronimo Gomez; pawang ng Brgy. San Antonio, Narvacan Ilocos Sur.
Nagulantang ang sambayanan sa ipinosteng video at mga larawan sa facebook ni Lutchina na ipinagmalaki pa ang isang tabong bala at mga armas ilan dito ay M16 rifles na ginamit ng mga ito sa indiscriminate firing.
Isa sa mga suspek ay isa umanong Criminology student.
Inaalam pa kung lisensiyado ang baril na ginamit ng mga suspek para sa karagdagang kaso laban sa mga ito dahilan sa hindi narekober ang mga bala at hindi rin nakumpiska ang baril na ginamit ng mga ito.
Sinabi naman ni Chief Supt. Wilben Mayor, Chief ng PNP Public Information Office na hindi sapat ang video at larawan ng mga taong sangkot upang mapagtibay ang kaso laban sa mga ito.
Mahalaga na may lumutang na testigo at magreklamo sa mga suspek na sangkot sa indiscriminate firing.
- Latest