NBI agent huli sa kayabangan
MANILA, Philippines - Isang nagpakilalang confidential agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang makitaan ng identification card ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at panunutok ng baril sa nakagitgitang driver ng ten-wheeler truck, sa Paco, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kakasuhan ng gun toting, illegal possession of firearms and ammunition, grave threat at physical injuries ang suspek na kinilalang si Rey Negre Y Villacarlos, 35, ng Block 19, Lot 24, Tahanan Yama Subdivision, Buenavista, General Trias, Cavite, nagmamaneho ng isang car carrier (TYM 890) dahil sa reklamo ng biktimang si Jessie Correa, driver ng ten-wheeler truck (VES 715) ng Balut, Tondo, Maynila.
Nabatid sa ulat na walang maipakitang lisensiya ng baril ang suspek na pinagdudahan din kung bakit siya may ID ng AFP habang nagpapakilalang NBI Confidential Agent.
Sa imbestigasyon ng Penafrancia Police Community Precinct dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang gitgitan sa tapat ng Plaza Dilaw sa Paco, kung saan nagbunot kaagad ng baril ang suspek at itinutok umano kay Correa sabay sabi na “NBI ako!” saka pinagsusuntok.
Nabatid na ang dalang baril na may permit to carry ay nakapangalan sa isang Emilio Genereso ng Gen. Trias Cavite, at isa pang permit to carry na baril na nakapangalan sa suspek subalit hindi naman dala ang baril na tinutukoy sa permit to carry.
- Latest