‘Pinoy Biggest Loser’ winner inaresto sa pagpatay
MANILA, Philippines – Naaresto ng mga otoridad matapos ang dalawang taong pagtatago sa batas ang isang dating pulis Pasig na nanalo bilang grand winner ng isang reality show na “Pinoy Biggest Loser” na wanted sa kasong pagpatay sa isang Sheriff sa isang operasyon sa Milaor, Camarines Sur kamakalawa.
Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Larry Martin y Galvan, 40-anyos na itinanghal na Biggest Loser Pinoy Edition Winner sa isang television reality show noong 2011.
Batay sa ulat, bandang alas-12:45 ng hapon nang masakote ng pulisya sa pamumuno ni Sr. Inspector Gilmore Ruizo, Acting Chief of Police si Martin sa Zone 1, Brgy. Sto Domingo, Milaor, Camarines Sur.
Si Martin ay inaresto kaugnay ng inisyung warrant of arrest laban dito ni Judge Leo Intia ng Regional Trial Court (RTC) Branch 27 ng Naga City kaugnay ng kasong pagpatay sa biktimang si Sheriff Rommel Licmoan sa Naga City noong 2012 matapos magkapikunan habang nag-iinuman sa isang bar at napasubsob ito sa semento at dalawang linggo na na-comatose bago bawian ng buhay.
Naglaan naman ang korte ng P120,000.00 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Martin.
Si Martin ay dating pulis na nakatalaga sa Pasig City Police, subali’t nagbitiw dahil sa sobrang katabaan, hanggang sumali ito sa nasabing reality show na Pinoy Biggest Loser na may pababaan ng bawas sa timbang noong 2011.
- Latest