Opisyal ng Ocean Adventure tugis ng NBI
MANILA, Philippines – Isang malawakang manhunt operations ang inilunsad ng National Bureau of Investigation (NBI) upang madakip ang top executive ng Ocean Adventure sa Subic dahil sa kasong syndicated estafa.
Batay sa warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court (RTC) branch 72 Judge Richard Paradeza laban kay Timothy J. Desmond, chairman at chief executive officer ng Subic Bay Marine Exploratorium Inc. na siyang nagmamayari at nagpapatakbo ng sikat na marine theme park na Ocean Adventure sa Subic.
Si Desmond ay nahaharap sa kasong syndicated estafa na walang piyansa habang ang pangalawang kaso naman na simple estafa ay may piyansa na nagkakahalaga ng P80,000.
Si Desmond ay sinampahan ng kasong syndicated estafa dahil sa diumano’y panloloko niya sa kanyang business partner na namuhunan ng halagang $2.15 milyon (P107 milyon) na di umano’y naglahong parang bula. Umabot na ng 10 taon mula ng magsampa ng kaso ang negosyanteng si Virginia delos Santos-Dio hanggang sa makarating ito sa Korte Suprema.
Ayon naman sa mga otoridad, nag-alok na ng halagang P200,000 reward sa sinumang makakapagbigay impormasyon sa kinakaroonan ni Desmond at agaran na itong mahuli.
- Latest