^

Police Metro

4 na preso nilason, 1 tigok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Humabol sa Undas  ang isa sa apat na bilanggo ng Manila Police District-station 1, matapos lasunin umano ng isang “misteryosong” babaeng dalaw sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center  ang biktimang kinila­lang si Jervy Hernandez, 25, pedicab driver, residente ng No. 186 Sampaloc St. Gagala­ngin, Tondo at may kasong snatching habang ginagamot naman sa Philippine General Hospital (PGH) ang tatlo pang biktima na sina Francis Mark Mo­rallos, 30, ng Permanent Housing, Balut, Tondo, Maynila na nakakulong dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Anti-Drugs Act; Rogelio Lavilla, 32, ng Unit 85 , Aroma, Vitas, Tondo na may kasong rape; at Monchito Sella, 37, ng Building 34,  Ground Floor, ng Aroma, Vitas, Tondo na may kasong  illegal possession of firearms.

Pinaghahanap naman  ng pulisya ang misteryosang babae na umano’y nag-abot ng “Tropicana juice” sa presong si Morallos kung saan siya ang  posibleng pakay lang sa panlalason subalit naipasa ang inumin sa kaniyang mga kasamahang bilanggo kaya nadamay. 

Sa  imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 7:35 ng gabi  sa  loob ng detention facility ng MPD-station 1, kung saan duma­ting ang naturang babae at nagpaalam na may ibibigay lamang ito kay Morallos kaya agad na pinayagan na makapasok. Ngunit kaunti lang ang nainom nito.

May impormasyon na ang di kilalang babae na suspek sa insidente ay sinasabing ‘runner’ umano ng isang alyas “Tofer”, na kilala sa lugar  sa pagiging sangkot sa iligal na droga.

 

DRUGS ACT

FRANCIS MARK MO

GROUND FLOOR

JERVY HERNANDEZ

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MONCHITO SELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with