P10 bilyong halaga ng shabu nasabat sa Zambales
MANILA, Philippines — Umaabot sa P10 bilyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Navy sa isang fishing vessel sa karagatan ng Zambales, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay PN spokesperson Captain John Percie Alcos, ala-1:30 ng madaling araw nang inspeksiyunin ng mga tauhan ng Northern Luzon Naval Command (NLNC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabing fishing vessel makaraang makatanggap ng tip na may karga itong kontrabando. Ang naturang fishing boat ay pinamamahalaan umano ng mga foreign nationals.
Dito ay bumulaga sa mga otoridad ang nasa 1.5 tonelada ng shabu na tinatayang street value na P10 bilyon na agad na dinala sa Naval Operating Base sa Subic para sa documentation.
Simula pa noong nakaraang buwan ay sunud-sunod ang mga nasasamsam na mga iligal na droga sa West Philippine Sea.
Ayon sa PDEA, posibleng may koneksyon ito sa international criminal syndicate na “Sam Gor,” na kumikilos sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific region, kabilang ang Pilipinas.
- Latest