^

Police Metro

Una kay De Lima: Itigil ang paggamit sa pangalan ni P-Noy

Pang-masa

MANILA, Philippines - Itigil ang paggamit ng pangalan ni Pangulong Aquino.

Ito ang mensahe ni United Nationalist Alliance (UNA) interim pre­sident Toby Tiangco kay  Justice Secretary Leila de Lima matapos na ipagyabang nito na tanging si Pangulong  Aquino o ang  Ombudsman lamang ang may karapatan na iutos ang pag-iimbestiga kay Vice President Jejomar Binay, kanyang pamilya at iba pang personalidad na iniimbestigahan ng Senate sub-committee.

Ayon kay Tiangco inilalagay ni De Lima sa alanganin ang paggamit sa pangalan ng Pangulo Aquino na kung saan ay iisipin ng taumbayan na ito at ang Liberal Party ang nag-uutos sa imbestigasyon kay VP Binay at iba pang mga kontrobersiya tulad ng Napoles scam at ang  Inekon, ang supplier ng Metro Rail Transit (MRT) na ibinulgar ng dating  Czech Ambassador.

  “The public cannot help but conclude that it was the President who ordered a stop in the investigation of the $30 million extort try invol­ving MRT officials during the watch of Mar Roxas as Transportation Secretary, or the involvement of Liberal Party members in the PDAF scam,” wika ni Tiangco.

Kaya dapat ay itigil na ni De Lima ang paggamit sa pangalan ng Pangulong Aquino sa kanyang mga umano’y maling hakbang dahil sa dagdag lang ito sa maraming problema na kinakaharap nito. - Butch Quejada-

 

BUTCH QUEJADA

CZECH AMBASSADOR

DE LIMA

JUSTICE SECRETARY LEILA

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

METRO RAIL TRANSIT

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with