^

Police Metro

Walang dalang cellphone at pera kaya... Dalaga ginahasa ng 2 holdaper

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa umano’y walang mahalagang gamit na mapapakinaba­ngan ng dalawang lalaki sa isang 18-anyos na dalaga na kanilang hinoholdap ay halinhinan na lang nitong gahasain na naganap kamakalawa sa Caloocan City.

Sinamahan ang biktima na itinago sa pa­ngalang Anna ng kanyang pamilya para magsampa ng reklamo laban sa dalawang lalaki.

Nang maisalarawan ng biktima ang dalawang suspek ay agad nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at nadakip si Steven Catorse, 18-anyos, ng St. Claire Street, Maligaya Park Subdivision. Habang pinaghahanap ang kasamahan nitong nakilala sa alyas na “Batik”.

Sa salaysay ng biktima dakong alas-12:00 ng hatinggabi ay pauwi ang biktima sa kanyang bahay sa Magalang Extension, Maligaya Park Subdivision nang hara­ngin ng dalawang suspek at holdapin.

Nang malaman na walang mahalagang gamit na matatangay sa biktima ay  kinaladkad ito sa madilim na bahagi ng kalsada at doon ay halinhinang ginahasa habang nakatutok ang patalim.

Pinakawalan ang biktima matapos na makaraos ang mga suspek.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng robbery hold-up at rape.

vuukle comment

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

DAHIL

HABANG

MAGALANG EXTENSION

MALIGAYA PARK SUBDIVISION

NANG

ST. CLAIRE STREET

STEVEN CATORSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with